LASING NALUNOD SA TANGKE NG TUBIG

SAMAR – Nalunod ang isang 47-anyos na lalaking lasing sa concrete water tank sa Brgy. Malonoy, sa bayan ng Villareal sa lalawigang ito, noong Lunes ng tanghali.

Ayon sa report ng Eastern Visayas Police Regional Office, kinilala ang biktimang si Vicente Abainza Jr., 47-anyos na residente sa lugar.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, galing sa inuman ang biktima at pag-uwi nito sa kanilang bahay ay umakyat sa concrete water tank sa hindi malamang dahilan subalit nahulog at nalunod.

Narinig pa ng ilang kapitbahay ang paghingi ng saklolo ng biktima subalit hindi kaagad natukoy ang kinaroroonan nito.

Huli na nang matagpuan ng mga kapitbahay sa loob ng concrete water tank ang biktima na wala nang buhay.

Kinumpirma naman naman ng Rural Health Unit ng Villareal na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

65

Related posts

Leave a Comment