LAUREL DADAAN PA RIN SA BUTAS NG KARAYOM SA CA

TULAD ng ibang appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dadaan pa rin sa butas ng karayom sa Commission on Appointment (CA) si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ito ang tila mensahe ni CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel matapos itakda ang unang pagdinig sa unang interim appointment ni Laurel sa December 5, 2023.
“The 25-member CA is empowered by the Constitution to vet the competence, fitness and integrity of key presidential appointees, including Cabinet members, and to approve or disapprove them,” ani Pimentel.

Indikasyon ito na wala pang garantiya kung aaprubahan ng makapangyarihang komisyon ang appointment ni Laurel na pinili ni Marcos bilang kanyang kapalit sa DA na kanyang pinamunuan sa loob ng 16 buwan.

Ayon sa mambabatas, bubusisiin ng mga ito kung nararapat si Laurel bilang DA Secretary lalo na’t napakaimportante aniya ang ahensyang pinamumunuan nito at nakasalalay ang sikmura ng mga tao.

“As far as we’re concerned, the biggest challenge that Secretary Tiu Laurel is facing now is how to swiftly modernize and boost the productivity of our agricultural sector. Right now, many Filipino families are struggling to put enough food on the table due to high prices,” ayon sa mambabatas.

Kailangang makumbinsi ng Kalihim ang CA members kung paano nito palalaguin ang produksyon ng pagkain sa bansa dahil ito lamang aniya ang paraan para masugpo ang pagsasamantala ng mga tiwaling negosyante.

“If we look at Taiwan and other countries that produce large food supplies, their economies are also the least vulnerable to global inflationary threats,” dagdag pa ng mambabatas kaya kailangang magaya ito ni Laurel.

Si Laurel ay mula sa mayaman at maimpluwensyang pamilya na siyang may-ari ng Frabelle Group of Companies na nasa likod ng Frabelle Fishing Corp., Frabelle Cold Storage Corp., Westpac Meat Processing Corp., Eoana Canning and Food Processing Corp., Frabelle Shipyard Corp., at Frabelle Properties Corp.

(BERNARD TAGUINOD)

130

Related posts

Leave a Comment