LGUs KINALABIT SA 1.4M BACKLOG SA VAXX RECORDS

HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos Jr. ang Local Government Units (LGUs) na kaagad tugunan ang 1.4 million backlog sa registration ng vaccination records sa Vaccination Information Management System (VIMS) na kailangan para sa pagpapalabas ng VaxCertPH.

Ang VaxCertPH ay official digital vaccination certificate program ng gobyerno base sa centralized data sa VIMS.

“This has long been an issue in our LGUs as we try to improve the inventory of Filipino citizens who have registered for VaxCertPH. We implore our LGUs to work double time in addressing their backlogs in the VIMS,” ayon kay Abalos sa isang kalatas.

Sinabi nito na ang VIMS ay may total backlog na 1,460,582 vaccination records “as of September 22” –  may kabuuang 334,317 ay bunsod ng  nawawalang records; 308,386 naman ay hindi recorded bunsod ng kakulangan sa manpower; 243,300 naman ay dahil sa late submission; 122,897 ay incomplete data; 109,806 ay mayroong missing data fields; 94,575 ay mayroong operational at procedural issues; at 75,831 naman ay may isyu ng Internet connections.

“Tuloy-tuloy po ang ating kampanya sa pagpapabakuna kaya kailangang maitala na po ang vaccine records ng ating mga mamamayan upang hindi ito tumambak pa,” ani Abalos.
Binigyang diin naman ng Kalihim ang kahalagahan para sa LGUs na tiyakin na ang digital records ng kanilang vaccinated constituents ay updated,  lalo na ang VaxCertPH ay kabilang sa “most widely recognized vaccination certificates globally,” na tinanggap sa 94 na bansa at teritoryo.

Ang VaxCertPH ay kabilang sa kakaunting vaccination certificates na sumusunod sa international standards, kabilang na ang World Health Organization’s (WHO) guidelines ukol sa digital documentation ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) certificates, Digital Infrastructure for Verifiable Open Credentialing, at European Union Digital Covid-19 Certificate standards.

Samantala, inatasan din ni Abalos ang lahat ng concerned DILG officials at personnel na mahigpit na makipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs  para tugunan ang concerns at makapagbigay ng kinakailangang suporta para sa maayos at episyenteng implementasyon ng programa.

“Tulungan po natin ang ating mga LGUs na ma-address ang causes ng backlog para sa mabilis at maayos na implementasyon ng programang ito,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

11

Related posts

Leave a Comment