LIBONG DEBOTO DUMALO SA ‘PAHALIK’ SA NAZARENO

UMABOT sa libo-libong mga deboto mula Sabado ng umaga hanggang sa araw ng Linggo, ang lumahok sa “Pahalik” sa Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Ermita, Manila.

Dahil dito, todo-bantay sa seguridad ang naka-deploy na mga miyembro ng Philippine National Police, partikular ang mga tauhan ng Manila Police District, Northern Police District, Eastern Police District, kabilang ang apat na K9 dogs ng Philippine Coast Guard habang nakaantabay ang mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), District Tactical Motorcycle Unit, District Intelligence Division ( DID), District Explosive Canine Unit (DECU), District Mobile Force Battalion (DMFB) at mga tauhan ng Special Weapon and Tactics( SWAT).

Si Police Lieutenant Colonel Gilbert C. Cruz, Station Commander ng MPD – Ermita Police Station 5, ang naatasan bilang Ground Commander sa okasyon.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), ang ‘Pahalik’ sa Itim na Nazareno ay karugtong sa pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo.

Muli namang nagpaalala si MPD Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay hinggil mahigpit na pagbabawal sa pagdadala ng payong, backpack, pagsusuot ng sumbrero at pagbitbit ng mga bata.

(RENE CRISOSTOMO)

110

Related posts

Leave a Comment