LIBRONG TUMATALAKAY SA KAGUTUMAN INILUNSAD

INILUNSAD ngayong linggo ang librong “Leave Nobody Hungry” na sinulat ng dating mamamahayag na si Virginia R. Rodriguez.

Tumatalakay sa mga makabagong teknolohiya at organikong pamamaraan ng pagsasaka, layon ni Rodriguez makatulong sa maliliit na magsasaka at kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., tumatayo rin Kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Nagbigay ng virtual message si Press Sec. Trixie Cruz Angeles sa pasinaya ng libro.

Umaasa si Sec. Angeles na makatutulong nang malaki sa milyun-milyong magsasaka sa bansa ang nilalaman ng libro para mapataas ang kanilang ani.

Dumalo sa okasyon sina Atty. Alex Lopez, Dr. Eliseo Ruiz, Chief and Executive Officer at  former Pres. ng CLSU; Asec. Antonio Molano, Councilor Joey Amzola; Councilor Pablo Ocampo; P/Gen. Andre Dizon, hepe ng MPD at iba’t ibang LGUs, NGOs; mga negosyante; at mga estudyante.

Sinabi ni Rodriguez, ang kanyang libro ay maaaring gawing gabay ng mga magsasaka sa bansa para mapataas ang kanilang kita sa pagsasaka.

“I would like to offer and to present this book to all the Filipino farmers so they can use my humble suggestions in expanding their knowledge in modern farming at affordable cause and for the students as their reference in their studies,” ani Rodriguez.

Pahayag pa ni Rodriguez, sagot sa “food crisis agenda” ni PBBM ang mga nilalaman ng kanyang libro, kabilang na rito ang “Masagana 150” na isinusulong ng Pangulo.
Bukod sa “food security”, nilalaman din ng libro ang paglikha ng maraming trabaho na nais mangyari ng gobyerno.

7

Related posts

Leave a Comment