LIDER NG CRIME GROUP TINADTAD NG BALA

QUEZON – Patay ang isang umano’y lider ng organized crime group matapos na ito ay pagbabarilin habang sakay ng tricycle sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Arnel Saez, 52-anyos, taga Sitio Tondo, Barangay Tagbakin.

Batay sa report ng Tiaong police, dakong alas-3:20 ng hapon nang pagbabarilin ang biktima ng hindi kilalang suspek habang minamaneho ang kanyang tricycle sa barangay road ng Barangay Talisay patungo sa Maharlika highway.

Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay. Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang pagpatay sa biktima ay may kinalaman sa mga aktibidad nito.

Ayon pa sa pulisya, ang biktima ay dati nang naaresto noong April 24, 2021 dahil sa kasong robbery. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment