LIDER NG DRUG GROUP, ARESTADO SA CAVITE

LUMUWAS pa ng Amadeo, Cavite ang mga operatiba ng Baguio City  Police, bitbit ang warrant of arrest upang isilbi sa lider ng Baclig Sarsi drug group na nasa listahan ng high value individual (HVI), noong Lunes ng gabi.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Amadeo Police ang suspek na si Joseph Baclig, 61, may address sa Brgy. Don Alejandro Quirolgico, Caoayan, Ilocos Sur, at nanunuluyan sa Gen. Luna, Upper, Baguio City, Cordillera Administrative Region.

Bukod pa rito, si Baclig ay nasa listahan ng top 6 criminal gang sa 3rd quarter ng 2022, regional target list sa ilalim ng ISPDEU COPLAN SIBAK.

Ayon sa ulat ni P/SMS. Kithy Boy Costelo ng Amadeo Police Station, nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng PIU/PDEU, ISUR PPO (lead unit), kasama ang mga personnel ng RIU-NCR PNP IG, PIT- Ilocos Sur, RIU1, RIU14, RID NCRPO, PS8 QCPD, RDEU1/RID, Santa MPS, Cauayan MPS, Irisan Station 9 at 7 ng BCPO sa Amadeo MPS, upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Baclig dahil sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 (RA 10364), at kasong rape  sa ilalim ng Art. 266-A (1) in rel. to Art. 266 B ng RPC, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto dakong alas-7:00 ng gabi sa tinutuluyan nitong bahay sa Sitio Tigas, Purok 1, Brgy. Maymangga, Amadeo, Cavite.

Hawak ngayon ng Amadeo Police si Baclig para sa dokumentasyon saka ililipat sa Baguio City Police at ibabalik sa issuing court ang warrant of arrest para sa pagpapalabas ng commitment order. (SIGFRED ADSUARA)

32

Related posts

Leave a Comment