LIDER NG TERORISTA TIMBOG SA MALAYSIA

INARESTO ng mga awtoridad sa Malaysia ang isang Pinoy na pinaniniwalaan lider ng Communist Terrorist Group na nag-o-operate sa lalawigan ng Mindanao.

Ayon sa impormasyon, kinilala ang suspek na si Eric Jun Baring Casilao, na may patong sa ulo na P5.4 milyon bilang pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan nito.

Agad na pinabalik si Casilao sa bansa upang harapin ang mga kasong kinasasangkutan alinsunod sa Mutual Agreement ng Pilipinas at Malaysia.

Si Casilao na secretary ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) at miyembro ng Central Committee ng CPP-NPA-NDF, ay mayroong nakabinbin na warrant of arrest sa korte dahil sa mga kasong murder, attempted murder, kidnapping at serious illegal detention.

Habang ang asawa nito na si May Vargas Casilao na nagsisilbing plenary member ng SMRC, at mayroon ding standing warrant of arrest hinggil sa mga kasong kidnaping, serious illegal detention at attempted murder. (FROILAN MORALLOS)

108

Related posts

Leave a Comment