LIVE-IN PARTNERS PINATAY HABANG NATUTULOG

LAGUNA – Patay ang isang magsasaka at ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, habang natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. San Jose, San Pablo City, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Edgardo Dayag at Elaine Ciolo.

Batay sa report ng San Pablo City Police, natutulog sa kanilang kuwarto ang mag-asawa ngunit dakong alas-9:30 ng gabi nang paulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek ang kanilang bahay.

Tumagos ang mga bala sa dingding ng bahay na yari sa light materials at nasapul ang mag-asawa.

Kapwa dead on the spot ang mga ito dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Palaisipan pa sa San Pablo City Police ang motibo sa krimen dahil ayon sa mga kaanak ay wala naman silang alam na kaaway ang mga biktima at solong namumuhay ang mga ito sa malayong lugar sa kanilang barangay.

Isinantabi na rin ang pulisya ang motibong robbery dahil walang nawala sa mga gamit ng mag-asawa at wala ring indikasyon na pumasok ang mga suspek sa bahay. (NILOU DEL CARMEN)

155

Related posts

Leave a Comment