LOLA NAGULUNGAN NG OIL TANKER, PATAY

CAVITE – Napisak ang katawan ng isang 60-anyos na lola nang magulungan ng isang fuel tanker truck na nagdedeliver ng gasolina sa oil depot sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Martes ng hapon.

Wala nang buhay ang biktimang si Lerma Gutierrez y Abillo, biyuda, ng Barangay Tejeros Convention, Rosario, Cavite nang dumating ang nagrespondeng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Rescue Unit ng Rosario, Cavite.

Kinilala naman ang driver ng isang Isuzu fuel tanker truck na may conduction sticker na D3 P735, na si alyas “Michel”, 39, at residente ng Imus City, Cavite.

Ayon sa ulat, minamaneho ng suspek ang fuel tanker habang binabagtas ang kahabaan ng Gen. Trias Drive, Barangay Tejeros Convention, Rosario, Cavite patungo sa direksyon ng Petron Depot dakong ala-1:50 ng hapon, nang magulungan nito ang biktima habang tumatawid galing east direction patungong west direction na sinasabing isang blind spot, na nagresulta sa pagkamatay nito.

(SIGFRED ADSUARA)

33

Related posts

Leave a Comment