LOLA NAMATAY NA YAKAP ANG ALAGANG ASO

HANGGANG sa kamatayan ay magkasama ang 79-anyos na lola at alaga nitong aso nang matupok ang kanilang tirahan sa Gagalangin, Tondo, Manila, Sabado ng gabi.

Nagbabakasyon lamang umano ang biktimang si Lola Juanita Bitco sa bahay ng kanyang mga anak sa nasabing lugar.

Samantala, dumanas naman ng mga lapnos sa katawan ang dalawa nitong apo na isinugod sa Tondo General Hospital at sa Jose Reyes Memorial Medical Center..

Batay sa ulat ng Manila Fire District ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang apoy sanhi ng isang charger ng mobile phone na umano’y pumutok habang ginagamit.

Agad nagresponde sa lugar ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Ibay Jr., commander ng Raxabago Police Station, para bantayan ang posibleng pagsasamantala ng mga magnanakaw sa mga kasangkapan ng mga naapektuhan ng sunog.

Ayon kay Bobby Hernane, punong barangay sa Brgy.128, pawang mga gawa sa light materials ang mga kabahayan kaya madaling kumalat ang apoy na umabot sa ikalawang alarma .

Idineklarang fire-out ang sunog ng dakong alas-4:05 na ng madaling araw.

Pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ng biktima habang yakap ang alaga niyang aso.

Pansamantala namang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang mahigit 30 pamilyang naapektuhan ng sunog. (RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment