LOLA PATAY SA SUNOG SA ERMITA

NALAGUTAN ng hininga ang isang 70-anyos na babae makaraang ma-suffocate sa nasusunog na bahay sa Ermita, Manila nitong Martes ng umaga.

Dakong hapon nang matagpuang wala nang buhay ang biktimang kinilalang si Imelda Memoria, nag-iisa lamang sa kanyang bahay sa Teresa St., Barangay 661, Zone 71, Ermita, Manila.

Base sa ulat ng Manila Fire District ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-10:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ni Lola Imelda.

Ayon sa ulat ng BFP, dahil sa agad na pagresponde nila, tanging ang bahay lamang ng biktima ang nasunog at naagapan ang iba pang kabahayan.  (RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment