LOLO NA PINAGRETIRO SA TRABAHO NAGTULAK NG DROGA, ARESTADO

BUNSOD ng sapilitang pagpaparetiro sa kanya sa trabaho, pinasok ng isang 63-anyos na lolo ang pagtutulak ng ilegal na droga nagresulta sa pagkakadakip sa kanya kasama ang tatlong iba pa sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nitong Lunes nang madakip sa operasyon sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque ang mga suspek na sina Godofredo Grande alyas “Godo”, 63, at Jojit Sales, 25, kapwa ng lungsod, at nasamsam sa kanila ang anim na gramo ng hinihinalang shabu na may presyong P40,800, at P300 marked money.

Bandang 11:55 naman ng gabi noong Linggo, nang hulihin sa Badeo 5, Brgy. San Roque si alyas “Delos Santos”, 26, at James Russel Jamin alyas “Dodong”, 21, kapwa ng lungsod, at nakuha sa kanila ang anim na gramo ng hinihinalang shabu na may presyong P40,800 at P300 buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

15

Related posts

Leave a Comment