LOLO NALAPNOS SA KANDILA

CAVITE – Nalapnos ang katawan ng isang 74-anyos na lolo nang masunog ang kanyang bahay matapos nakalimutan ang nakasinding kandila sa Tagaytay City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Olimpio Caraan y Bruce, biyudo, ng Brgy. Iruhin West, Tagaytay City, dahil sa mga lapnos sa katawan.

Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Darwin Q. Jaime ng Tagaytay City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang sunog sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Mabilis namang nagresponde ng mga pamatay sunog at dakong alas-7:36 ng gabi ay ideklarang fire-out ni SFO3 Jhun Alvinson Herrera. (SIGFRED ADSUARA)

29

Related posts

Leave a Comment