LOLO TIKLO SA P345K IMPORTED SHABU

PAMPANGA – Timbog ang isang 63-anyos na lolo matapos makumpiskahan ng P345,000 halaga ng ilegal na droga na tinanggap nito mula sa ibang bansa, sa isinagawang entrapment operation ng magkasanib na mga operatiba ng PDEA Central Luzon, Clark Inter-Agency Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark at Masantol Police Station sa Masantol, Pampanga noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa PDEA, dumating sa Port of Clark noong Pebrero 18 ang package na nagmula sa California, USA.

Subalit na-detect sa X-ray scanning, K-9 sniffing at field testing na hinihinalang imported na shabu ang laman nito.

Agad nagsagawa ang mga awtoridad ng entrapment operation at idineliber ang package sa bahay ng suspek sa Barangay Lucia Matua, Masantol, Pampanga.

Matapos tanggapin ang parcel, inaresto ng mga awtoridad ang suspek at nang buksan ang package ay tumambad ang tinatayang 50 gramo ng umano’y shabu na P345,000 ang halaga.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NILOU DEL CARMEN)

88

Related posts

Leave a Comment