LTO KINASTIGO SA ‘DI PAGPAPATUPAD NG MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT

MULING binanatan ni Senador Richard Gordon ang Land Transportation Office (LTO) sa kabiguang maipatupad ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act simula nang maisabatas tatlong taon na ang nakalilipas.

Iginiit ni Gordon na dahil dito, bigo ang LTO na protektahan ang publiko kasama na ang motorcycle riders.

“Its implementation was so far delayed that the (Senate) Blue Ribbon Committee was forced to call hearings to determine how delayed, what the causes for delay were, and what consequences of the delays were,” saad ni Gordon.

“Non- implementation can also have dire consequences for our people. Many suffer injuries, or die because of this dereliction of duty,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Gordon na lumilitaw na naabuso ang mga motorcycle riders at hindi nabibigyan ng proteksyon laban sa pagkahatak ng kanilang mga motorsiklo ng kanilang dealers dahil sa delay sa pagbabayad ng monthly dues, bukod sa hindi naman naibibigay sa kanilang ang original certificate of registration.

Lumabas din sa pagsisiyasat na limang major motorcycle dealers na pag-aari ng isang Mindanao-based family ang sangkot sa falsification ng mga dokumento na nagresulta sa pagkawala ng bilyong kita ng gobyerno dahil sa misdeclaration ng benta.

Kinastigo ni Gordon ang LTO sa delay sa implementasyon ng batas at ang ni hindi rin agarang pagre-release ng mga plaka ng motorsiklo.

Pinuna rin ng senador ang hindi pa nabubuong joint LTO-Philippine National Police (PNP) Operations and Control Center. (DANG SAMSON-GARCIA)

2

Related posts

Leave a Comment