Lulan ng barko galing Liberia 25 DRUMS NG SHABU CHEMICAL, NASAMSAM NG PDEA, BOC

UMABOT sa 25 drums ng kemikal na sinasabing pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu, ang kinumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs mula sa isang barko galing ng Liberia.

Nakatakda ring sampahan ng kaso ng BOC at PDEA ang pamunuan ng nasabing barko sa pagpupuslit ng hydrochloric acid, sangkap na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Napag-alaman sa pagrerekisa ng mga tauhan ng BOC, nadiskubre ang mga kemikal na lulan ng barko nang dumating mula Liberia at dumaong sa lalawigan ng Cebu.

Bigo ang mga sakay nito na makapagpakita ng dokumento sa BOC matapos na dumaong sa Lapu-Lapu City.

Paliwanag ng kapitan ng barko, inutusan lamang sila ng kanilang employer na dalhin ang mga kemikal na umano’y kailangan sa paglilinis ng barko mula sa Japan.

Sinabi pa ng kapitan na nanggaling na rin sila ng Estados Unidos, Singapore at South Korea pero dito lang sa Pilipinas sila nasita.

Giit ng PDEA, labag sa batas ang pagkakarga ng bulto ng hydrochloric acid sa barko nang walang kinakailangang mga dokumento. (JESSE KABEL)

6

Related posts

Leave a Comment