MAG-AMA ARESTADO SA ‘HULIDAYS’ SA QUEZON

ARESTADO sa ikinasang One Time Bigtime “Hulidays ” ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit Calabarzon, ang mag-amang top 7  most wanted persons sa lalawigan ng Quezon, bago ang araw ng Pasko.

Tinukoy ni CIDG4-A Regional Chief Joel Manuel Ana ang mga suspek na sina Melvin Añana Sr., at Melvin Añana Jr. na may kasong frustrated murder na isinampa ni Neil Patallar noong Enero 19, 2019, ng Brgy. Talao-talao , Lucena City.

Huli ang mag -ama sa bisa ng warrant arrest na inisyu ni Presiding Judge Aristotle Reyes ng Regional Trial Court Branch 15 ng Lucena City noong Oktubre 17.

Nasakote si Melvin Jr. sa Calatagan, Batangas, apat na araw bago ang Pasko, habang si Melvin Sr. naman ay naaresto noong bisperas ng Pasko

Ikinasa ng mga awtoridad ang manhunt operation ngayong Kapaskuhan dahil inaasahang uuwi ng mga suspek sa kanilang pamilya.

Sinabi ni CIDG director, P/BGen. Ronald Lee, ang operasyon laban sa mga pinaghahanap ng batas ay upang maging ligtas ngayong Holiday season ang bawat pamilya. (CYRILL QUILO)

28

Related posts

Leave a Comment