MAG-AMA NA-TRAP SA SUNOG, 1 PATAY

0

NAMATAY ang isang lalaki habang inoobserbahan sa pagamutan ang anak nitong babae makaraang ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Manila, Miyerkoles ng gabi.
Bineberipika pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mag-ama.

Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-6:44 ng gabi nang magsimula ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay sa Block 15-A, Baseco Compound,

Port Area, Manila, na sakop ng Brgy. 649, Zone 68, sa District 5, na pagmamay-ari umano ng isang Mastora Guimat, at inuupahan ng mag-amang biktima.

Nabatid sa imbestigasyon ng Arson Division, dahil sa pagkataranta ng mag-ama ay pumasok ang mga ito sa banyo kung saan sila na-suffocate.

Ayon sa BFP, umabot sa 150 pamilya ang nadamay sa sunog na tumupok sa 100 kabahayan. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment