MAG-AMIGA NABITAG SA P3-M SHABU

CAVITE – Siguradong walang iwanan sa dalawang babaeng mag-amiga dahil magsasama pa rin sila kulungan matapos na maaresto sa buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Sarah Salong y Taguranaw, at Rojean Mae Capuno y Tumagma, kapwa nasa hustong edad, at residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-IVA RSET 1 at 2, PDEA Cavite PO, Cavite RDEU at Bacoor City Police matapos nakipagtransaksyon ang magkaibigan sa poseur buyer.

Nagkasundong magkita ang mga suspek at poseur buyer sa Molino River sa Brgy. Molino 3, Bacoor City na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa mga suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,450,000 at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

21

Related posts

Leave a Comment