MAG-ASAWA, 2 ANAK PATAY SA TRUCK

BILIRAN – Pawang binawian ng buhay ang apat na miyembro ng isang pamilya nang ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay mabangga ng isang truck sa bayan ng Caibiran sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng Caibiran Municipal Police, minamaneho ng padre de pamilya na si Jimmy Agosto ang motorsiklo habang angkas ang asawa at dalawang anak, nang masalpok ito ng kasalubong na canter truck sa Sitio Taloto, Brgy. Maurang, dakong alas-6:20 ng gabi.

Nabatid sa imbestigasyon, nag-overtake umano sa isa ring motorsiklo ang truck kaya nasakop nito ang linya ng motorsiklo ng mag-anak at nasalpok.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kalsada ang mga biktima. Isinugod ang mga ito sa ospital ngunit ang lahat ay idineklarang dead on arrival. (NILOU DEL CARMEN)

26

Related posts

Leave a Comment