MAG-ASAWA NIRATRAT SA TINDAHAN, 1 PATAY

LAGUNA – Patay ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang asawa nito matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa kanilang tindahan sa Barangay Dita, Sta. Rosa City, noong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa report ng Sta. Rosa City Police, dakong alas-3:00 ng madaling araw, abala ang mag-asawang biktima sa paghahanda at pagluluto ng pagkain sa kanilang tindahan nang biglang dumating ang hindi pa nakikilalang lalaki at pinagbabaril ang mga ito.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sa mga biktima.

Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa St. James Hospital subalit idineklarang dead on arrival ang lalaki habang ang misis nito ay nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya para matukoy at mahuli ang suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng suspek sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

13

Related posts

Leave a Comment