WALA ng buhay nang makita ang dalawa kataong kapwa naipit sa naglalagablab na tahanang kabilang sa mga tinupok ng apoy sa isang residential sa Barangay Mariana, Quezon City.
Sa paunang ulat ng pulisya, halos hindi na makilala ang 67-anyos na babae at anak nito sa isinagawang mopping operation ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa kahabaan ng 11th Street ng nasabing barangay.
Ayon sa mga arson investigators, dakong alas-5:00 ng umaga nang sumiklab ang unang palapag ng bahay.
Swerteng nakalabas naman sa nasusunog na bahay ang kasambahay ng mga biktima. Inaalam pa ang pinagmulan ng nasabing sunog na tumupok sa bahay, dalawang kotse at iba-pang ari-arian. (LILY REYES)
103