MAGDYOWANG TULAK TIKLO SA BUY-BUST

HUMANTONG sa karsel ang isang magkarelasyon sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City.

Ibinalibag sa magkahiwalay na selda sina Princess N. Ong, 33, ng Tondo, Maynila, at Joshua C. Bondad, 22, ng Barangay Longos, Malabon City.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Setyembre 6 nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Chico Road, Barangay Potrero ng nasabing lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng umano’y shabu, at isang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Tumitimbang ng 6.2 gramo ng ilegal na droga na tinatayang P42,160 ang halaga ang nakumpiska sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

7

Related posts

Leave a Comment