MAGKAPATID, ISA PA INARESTO SA KASONG ESTAFA

MAGKAKASUNOD na inaresto ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang tatlong indibidwal sa Tondo, Manila, Lunes ng gabi dahil sa pagkakasangkot sa estafa.

Unang naaresto si Bryan Carlo, 25-anyos, bandang 7:40 ng gabi sa kanyang bahay sa Barangay 29, Tondo. Kasunod si Jane Erika, ng Brgy. 26, Tondo dakong alas-8:10 at pagsapit ng alas-9:35 ng gabi naman naaresto ang kapatid nitong si John Erwin, 27.

Sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, ang tatlo ay may nakabinbing arrest warrant na inisyu ni Hon.Virgilio Macaraig, Presiding Judge ng Regional Trial Court branch 37 ng Manila dahil sa kasong Estafa in Relation to Republic Act 10175 (Section 6 OF).

Nagrekomenda ang korte ng piyansang P54,000.00 bawat isa para pansamantalang makalaya ang mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)

39

Related posts

Leave a Comment