MAGKAPATID NADALE NG SA VAN SA QUEZON, 1 PATAY

QUEZON – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kapatid nito matapos na ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay masalpok ng kasalubong na van sa national road sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng Mauban sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Cedrick Encarnado Villaverde, 24, habang nilalapatan ng lunas sa Mauban District Hospital ang kapatid nito na si Ryan Encarnado Villaverde, 28-anyos.

Ayon sa report ng Mauban Police, ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima ay nasalpok ng van na minamaneho ni Antonio Baasis, 51, residente ng Tayabas City, dakong alas-6:00 ng gabi.

Base sa imbestigasyon, tinatahak ng van ang highway ngunit nakita ng driver nito sa unahan ang isang hindi kilalang lalaki na may hawak na kahoy at akmang ihahampas sa van.

Umiwas ito at nakabig ang manibela patungo sa linya ng kasalubong ngunit nahagip ang motorsiklo.

Natumba ang motorsiklo ng magkapatid habang mabilis namang nawala ang lalaking papalo sa van.

Ikinustodiya ng Mauban Police ang driver ng van habang inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries and damage to property na isasampa laban dito.

(NILOU DEL CARMEN)

40

Related posts

Leave a Comment