MAGKUMPARE TIKLO SA SHABU

IBINALIBAG sa selda ang magkumpareng tulak matapos makumpiskahan ng umano’y shabu sa Caloocan City.

Kalaboso ang mga suspek na sina Nasip Dipatuan y Acmad Saavedra, 28, at Roger Esplana y Alcala, 28, kapwa ng Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City.

Natimbog ang dalawa sa operasyon ng mga awtoridad sa Camaro St., Barangay 175, Camarin, Caloocan City dakong alas-9:30 ng umaga noong  Enero 5, 2023.

Umabot sa 10 gramo ng umano’y shabu na may presyong P68,000 ang nasamsam sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

22

Related posts

Leave a Comment