MAGKUMPARENG TULAK SWAK SA REHAS

TIMBOG ang magkumpareng hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Navotas City.

Arestado sina Serafin M. Arisgado, 32, ng Barangay San Jose, at Benjamin A. Gerona Jr., 25, ng Barangay San Jose, kapwa ng Navotas City.

Natiklo ang dalawa dakong alas-10:45 ng gabi noong Setyembre 7 sa Gulayan St., Barangay San Jose.

Nakumpiska sa kanila ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, tatlong P100 bills na ginamit bilang buy-bust money, at P500 cash.

Tumitimbang ng 7.5 gramo na P44,200  ang halaga, ang nasamsam sa dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

Related posts

Leave a Comment