MAGSASAKA NG BATANGAS TINULUNGAN NI REP. ROMUALDEZ

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pamimigay ng tulong sa may 800 magsasaka o manggagapak ng tubo na naapektuhan sa pagsasara ng pinakamalaking sugar mill sa Batangas.

Nangako rin si Speaker Romualdez na hahanap ng solusyon upang matugunan ang mga suliranin ng mga manggagapak ng tubo.

Matapos magsara ang Central Azucarera de Don Pedro, Inc. (CADPI) sa Nasugbu, Batangas, dumulog kay Speaker Romualdez ang mga miyembro ng Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform kasama si Gabriela Rep. Arlene Brosas noong Pebrero.

Nakipag-ugnayan si Speaker Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matulungan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ang mga apektadong manggagawa na binigyan ng tig-P10,000.

“Nang makausap ko ang mga magsasakang naapektuhan ng pagsasara ng sugar mill sa Speaker’s Office, nalungkot ako sa dala nilang balita. Alam ko ang epekto ng pagsasara ng sugar mill. Kagutuman at kalituhan ang tiyak na resulta nito,” sabi ni Speaker Romualdez sa AICS distribution event sa Balayan, Batangas.

Ayon kay Speaker Romualdez, sa panahon ng krisis at kagipitan ay dapat magtulungan ang bawat isa upang makabangon.

“That is why I am immensely proud to share with you today the collaborative efforts of the Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform, Gabriela Representative Arlene Brosas, and the House Speaker’s Office,” sabi ng lider ng Kamara.

“Today, as we distribute these much-needed resources, we are not just providing financial support; we are also offering a glimmer of hope, a symbol of solidarity, and a reminder that no one is alone in their struggles. It is my firm belief that by working together and supporting one another, we can overcome any challenge that comes our way,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang iba pang opisyal na tumulong sa mga magsasaka gaya nina House Committee on Appropriations Chairperson Zaldy Co, Gabriela Rep. Brosas, Batangas 1st District Rep. Eric R. Buhain at asawa nitong si Eileen Ermita-Buhain, at mga opisyal ng Balayan Municipal sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II.

“Your unwavering dedication and commitment to the welfare of our constituents are truly commendable,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nakasama rin ni Romualdez sa distribusyon ng tulong sina TGP Partylist Rep. Jose “Bong” Teves, Jr., Kabataan Party List Rep. Raoul Manuel, at dating ACT Teachers Party List Rep. Antonio Tinio.

“Maliit na halaga po lamang ito. Pero tiwala ako na kahit paano, makakatulong ito para maituwid sa gutom ang mga naapektuhang pamilya,” dagdag pa ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Simula pa lamang ito ng ating pagtulong. Hindi rito matatapos ang ugnayan at tulungan natin.”

Ayon sa DSWD magpapatuloy ang pamimigay ng tulong sa mga apektadong manggagapak ng tubo sa mga susunod na araw.

152

Related posts

Leave a Comment