MAGSASAKA PATAY SA LOVER NI MISIS

ILOILO – Dead  on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos barilin ng umano’y dating kalaguyo ng kanyang misis sa Pototan City sa lalawigang ito noong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Pototan City Police Station, binaril nang malapitan ng suspek ang 44-anyos na magsasaka sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dawis ng nabanggit na siyudad.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Pototan Police, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang 13-anyos na anak nang biglang tumahol ang kanilang alagang aso. Nang silipin ng biktima ang pintuan ay biglang sumungaw ang suspek na armado ng baril at pinaputukan ito.

Target ngayon ng manhunt operation ang suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Nagawang pang isugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician sanhi ng tama ng punglo sa leeg.

Patuloy ang hot pursuit operation ng Pototan Police sa suspek na sinasabing nakaharap na rin ng biktima noong 2019.

Minartilyo umano ng biktima ang suspek matapos matuklasan ang relasyon nito sa kanyang asawa. (JESSE KABEL)

125

Related posts

Leave a Comment