MAGSASAKA PINATAY NG KAPATID

patay

QUEZON – Patay ang isang magsasaka makaraang barilin ng nakababatang kapatid dahil sa matagal nang alitan sa kanilang lupang sakahan sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Michael dela Cruz, 39, residente ng Sitio Labrahan, Brgy. Don Juan Vercelos, idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa likod at sa tiyan.

Batay sa report ng San Francisco Police, ang biktima ay pinagbabaril ng kanyang kapatid na si Melencio Yare, 37, malapit sa bahay ng suspek  sa Sitio Labrahan, Brgy. Don Juan Vercelos, habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay dakong alas-8:00 ng gabi.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi umabot nang buhay habang tumakas naman ang suspek na pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

Lumabas sa imbestigasyon, matagal nang may tampuhan ang magkapatid hinggil sa lupang sakahan na pag-aari ng kanilang pamilya.

Sinampahan ng kasong murder sa Office of the Provincial Prosecutor sa bayan ng Catanauan ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

72

Related posts

Leave a Comment