MAHIGIT 1M DEBOTO DADALO SA PISTA NG NAZARENO

TINATAYANG mahigit isang milyong Katoliko ang inaasahang dadalo sa aktibidad sa Quirino Grandstand sa Ermita, Manila para sa pista ng Itim na Nazareno simula ngayong Sabado.

Pahayag ni Fr. Earl Valdez, attached priest ng Quiapo church, inaasahang maraming tao ang dadalo sa pagdiriwang sa nasabing lugar.

“In previous years (pre-pandemic), we reached millions in total, and all Masses were filled. In the grandstand, probably, the usual number of devotees pre-pandemic. We expect the grandstand to have whatever devotees can occupy and together with the line for the tribute, it will really reach a million,”pahayag ni Fr. Valdez.

Tatlong araw na mananatili ang imahe ng Black Nazarene sa Quirino Grandstand mula Enero 7 hanggang 9.

Ang panimulang aktibidad ay ang “Pagpupugay” na tatakbo mula Enero 7 hanggang 9, na papalit sa tradisyonal na “Pahalik”.

Magdadaos ng misa sa Enero 8 ng hatinggabi na pangungunahan ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na susundan ng “Walk of Faith procession”.

Magsisimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo church sa Quezon Boulevard.

Pangungunahan naman ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang Feast Day Mass sa hatinggabi ng Enero 9. (RENE CRISOSTOMO)

27

Related posts

Leave a Comment