MAHIGIT P1-M SHABU NASABAT SA TULAK

BATANGAS CITY – Natimbog ng mga awtoridad ang isang high value individual sa buy-bust operation sa lungsod at nakumpiska ang mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang arestadong suspek na si “Jay Balita”.

Ayon sa ulat, isinagawa ng mga tauhan ng Batangas City PNP Drug Enforcement Unit ang operasyon sa suspek sa kanyang bahay sa Brgy. Dela Paz Proper, dakong alas-11:00 ng gabi

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 11 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 170 grams ang timbang at P1,173,000 ang halaga, at isang .45 kalibreng baril.

Nakadetine ang suspek sa Batangas City Police Station custodial facility, at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

(NILOU DEL CARMEN)

101

Related posts

Leave a Comment