MAHIGIT P1-M SHABU NASAMSAM SA PAMASKONG REGALO

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), matapos nahulihan ng mahigit P1 milyong halaga ng umano’y shabu na nakabalot na parang pamaskong regalo, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan, noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Dimanatan”, nasa hustong edad.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Dann Czar Rosales ng GMA Police Station, dakong alas-3:40 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Group (PDEG) SOU4A (lead unit) Cavite Police Intelligence Unit (PIU) at GMA Municipal Police Station, sa Brgy. Madea, GMA, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,360,000, na nakabalot na parang pamaskong regalo.

(SIGFRED ADSUARA)

68

Related posts

Leave a Comment