MAHIGIT P67-M SHABU NASABAT SA WAREHOUSE

NASABAT ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng tinatayang 9,898 gramo ng umano’y shabu na may street value na P67,306,400, sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City.

Idineklara ang kargamento bilang “bearings” mula sa Mozambique, Southern Africa via Hong Kong, sa pamamagitan ng Ethiopian Airlines flight number ET644, na dumating sa bansa noong Disyembre 2, 2023.

Dumaan sa profiling, x-ray screening at physical examination ang parcel na humantong sa pagkakatuklas sa ilegal na droga sa loob ng bearings.

Inaresto ng composite team ang consignee na umano’y kukuha ng parcel para sa kanyang partner na nakilala online.

(JOCELYN DOMENDEN)

138

Related posts

Leave a Comment