MALAKING KITA NG NGCP NAPUPUNTA SA DIBIDENDO

DISMAYADO ang mga senador nang makumpirma na malaking porsyento ng kita ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay napupunta sa dibidendo ng mga shareholders nito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy kaugnay sa operasyon ng NGCP, iprinisinta ng NGCP ang kanilang financial statements.

Sa datos noong taong 2019, lumalabas na sa P20.3 billion na net income o kita ng NGCP ay nasa P15 billion ang napunta sa dibidendo na katumbas ng halos 75 percent ng kita ng kumpanya.

Tugon naman ni NGCP Asst. Corporate Secretary Atty. Ronald Dylan Concepcion, nasa P39 billion ang capital outlay ng NGCP noong 2019 na siyang alokasyon para sa pagsasaayos ng kanilang mga proyekto.

Taong 2017 naman, sa P20.6 billion na net income ng NGCP, P19 billion o halos 99 percent ang napunta sa dibidendo.

Dahil sa presentasyon na ito, sinabi ni Committee Chairman Raffy tulfo na ito malinaw sa kanya ang dahilan kaya nagkakaproblema ang NGCP sa development ang kumpanya sa mga linya ng kuryente sa bansa.

Ito kasi anya dahil inuuna pa ng NGCP ang kita ng mga shareholder sa halip na pagbuhusan ng pondo ang mga development projects nito.

Samantala, ipinag-utos na ni Tulfo ang pagpapalabas ng subpoena sa kopya ng kasunduan ng mga shareholder at ng NGCP upang makita kung paanong magdesisyon ang kumpanya.

Ito ay dahil sa impormasyon na may veto power ang State Grid of Corporation of China na may 40 percent share ng NGCP at kailangan umanong unanimous ang boto ng mga shareholder.

Kaya kahit anya pa magsanib pwersa ang dalawang Pinoy company na may tig-30 percent share sa NGCP ay mababalewala lang ito kung hindi sasangayon ang SGCP.(Dang Samson-Garcia)

117

Related posts

Leave a Comment