Mamamayan patuloy na poprotektahan – P/Col. Silvio 1,336 SUSPEK NASILO NG LAGUNA PNP

IPINAKITA ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, ang isang buong buwang accomplishments ng Laguna PPO laban sa ilegal na droga at ilegal na sugal kasama na rin ang loose firearms at naarestong wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Ayon kay P/Col. Silvio, ang tungkulin ng Laguna PNP sa buong buwan ng Setyembre ay matagumpay na naisagawa at naipatupad sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamamayan ng Laguna.

Sa pangkalahatan, arestado ang 1,336 indibidwal na mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Laguna mula sa iba’t ibang operational accomplishments ng Laguna PNP.

Sa kampanya kontra ilegal na droga, nahuli ng Laguna PNP ang 338 na kabuuang bilang ng mga suspek sa isinagawang 280 na anti-illegal drugs operation sa buong buwan ng Setyembre.

Nakumpiska sa mga ito ang 176.302 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1,233,244 ang halaga, at 3,462.53 gramo ng nasabat na marijuana na tinatayang may halagang P3,818.970.

Kabilang sa naaresto si Jerome Zapanta alias “Jhem Bayot”, residente ng San Pablo City, Laguna, isang high-value target, na nakumpiskahan ng hinihinalang high-grade marijuana leaves and seeds, na may tinatayang halaga na P3,750,000 at timbang na umabot sa 2.5 kilograms.

Sa kampanya kontra ilegal na sugal, arestado ng Laguna PNP ang 737 na personalidad sa naisagawa nitong 392 na anti-illegal gambling operations sa iba’t ibang bahagi ng Laguna. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang P984,440 bet money.

Sa kampanya kontra loose firearms arestado ang 15 katao at nakumpiska sa mga ito ang 18 iba’t ibang klaseng baril.

Isa sa mga naaresto ay kinilalang si Placido Mercado alias “Edu”, residente ng San Pablo City, Laguna, nakumpiska sa kanya ang isang unit ng caliber .45 pistol Norinco; dalawang piraso ng caliber.45 magazine assembly; 21 caliber .45 live ammunition; isang caliber .38 revolver, at dalawang piraso ng caliber  .38 revolver live ammunition.

Sa kampanya kontra most wanted persons at other wanted persons, arestado ang 246 na most wanted at other wanted persons sa ikinasang manhunt operation ng Laguna PNP, 90 sa mga ito ay kabilang sa most wanted person (15 regional level, 10 provincial level, at 65 city/municipal Level).

Kabilang sa naaresto si Roldan Reyes Tolentino residente ng Los Baños, Laguna nakatala bilang rank no. 1 most wanted person regional level, at nahaharap sa kasong homicide.

“Ipinagmamalaki ko ang mga kapulisan ng Laguna dahil sa patuloy na paggampan ng kani-kanilang tungkulin para sa mamamayan ng Laguna at hindi titigil ang Laguna PNP para sa patuloy na kapayapaan at kaayusan tungo sa kaunlaran ng lalawigan ng Laguna,” pahayag ni P/Col. Silvio.

208

Related posts

Leave a Comment