MANGGAGAWA LAKAS NG BANSA, PUSO NG EKONOMIYA – NOGRALES

PINANGUNAHAN ni Rizal, 4th District Rep. Fidel Nograles ang pamimigay ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged (TUPAD) sa mga manggagawa ng Montalban ng nasabing lalawigan kamakailan.

Ayon kay Rep. Nograles, “Bilang pakikiisa sa lahat ng ating magiting na mga manggagawa sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Labor Day, ay nagbigay po tayo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged (TUPAD) sa mga kapos-palad natin na manggagawa”.

Sinabi pa niya na mahalaga ang tungkulin at ambag ng mga manggagawang Pilipino upang itaguyod ang kani-kanilang pamilya, maging ang ating ekonomiya.

Dagdag pa ng mambabatas, ang pagod at sakripisyong kanilang handog ang siyang tumatayong sandigan ng ating lipunan.

Ayon pa sa chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang dedikasyon at husay ng bawat manggagawang Pilipino bilang lakas ng bansa at puso ng ating ekonomiya.

“Binibigyang pugay natin ang lahat ng ating mga manggagawa para sa kanilang mga sakripisyo at pagpupunyagi para sa kinabukasan ng bawat Pilipino,” pahayag pa niya.

Aniya pa, “Makakaasa po kayo na patuloy nating isusulong at itataguyod ang karapatan at kapakanan ng bawat manggagawa sa Kongreso.”

Ang hakbang na ito ni Nograles ay ikinatuwa naman ng mga residente ng Montalban dahil hindi sila nito nakalilimutan sa lahat ng panahon.

Si Nograles ay aktibong nag-iikot sa kanyang nasasakupan sa ika-4 na Distrito ng Rizal (Montalban) kung saan ay natutugunan niya ang pangangailangan ng mga residente sa lugar.

(JOEL O. AMONGO)

42

Related posts

Leave a Comment