MANGINGISDA PATAY SA ELISE NG BANGKA

BATANGAS – Patay ang isang lalaking nangingisda sa pamamagitan ng paninisid, matapos na mahagip ng elise ng isang dumaang motorboat sa karagatang sakop ng Barangay Subukin, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Rafael Alip, residente ng Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.

Batay sa report ng San Juan Police, dumayo ang biktima ng pangingisda sa nasabing barangay at nanisid sa dagat dakong alas-2:00 ng hapon, ngunit nadaanan sa ibabaw ng isang bangkang de motor naging dahilan upang tamaan ito sa ulo ng elise ng bangka.

Agad isinugod  ang biktima sa ospital subalit binawian ng buhay.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang may-ari ng bangka na si Rico Delas Alas. (NILOU DEL CARMEN)

10

Related posts

Leave a Comment