MARITIME SECURITY PAHUHUSAYIN NG UGNAYAN NG PHL AT US

INIHAYAG ng opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa courtesy visit ni Ambassador to the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Yohannes Abraham, sa punong-tanggapan ng PCG sa Maynila noong Biyernes, Abril 26, na ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at United States (US) ay lalong magpapahusay sa kanilang pagtutulungan sa maritime security.

Ipinahayag ni Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr., PCG deputy commandant for operations, ang koneksyon ng Pilipinas sa US Coast Guard at United States ay lumago nang higit pa sa pagbibigay ng technical at operational training para sa mga tauhan ng PCG.

“I am confident that these engagements will further improve and intensify our collaboration in Maritime Security, demonstrating our dedication to maintaining regional security,” saad ni Punzalan.

Sinabi ni Punzalan, ang Pilipinas at US ay may malalim na ugnayang pangkasaysayan at pangkultura, gayundin ay may iisang dedikasyon sa demokrasya at karapatang pantao.

Ang iba pang opisyal na dumalo sa pagbisita ay sina PCG Deputy Commandant for Administration Vice Admiral Allan Victor Dela Vega; Chief of Coast Guard Staff Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio; at Deputy Chief ng Coast Guard Staff for Strategic Studies and Modernization Captain Eric Ferrancullo.

Noong Abril 22, nagsimula ang ika-39 na joint military exercise ng Pilipinas at US “Balikatan Exercise”.

Nauna nang inihayag ng PCG na magtatalaga sila ng anim na barkong sibilyan na lalahok sa isang grupong maglalayag sa West Philippine Sea (WPS) para sa joint military exercise.

Ayon kay PCG spokesperson, Rear Admiral Armando Balilo, ito ang unang pagkakataon na sumali ang PCG sa Balikatan Exercise.

Inutusan ang Coast Guard Fleet na magpadala ng apat na 44-meter multi-role response vessels (MRRVs) at dalawang mas malalaking patrol vessel para sa Multilateral Maritime Exercise na sasamahan din ng mga katapat mula sa AFP, US, Australia, at France.

Sinabi ni Balilo na ang mga miyembro ng Coast Guard Special Operations Force ay lalahok sa joint interoperability drills kasama ang Philippine Navy (PN), gayundin ang counterparts mula Australia, France, at ang US.

(JOCELYN DOMENDEN)

47

Related posts

Leave a Comment