MATANDA’T BATA INAARUGA SA MALABON

INANYAYAHAN ang lahat ng senior citizens sa Lungsod ng Malabon na mag-update ng record sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) para maiwasan ang pagkaantala o pagkaabala sa mga serbisyong hatid ng pamahalaang lungsod sa mga senior citizen.

Ang record updating ay gaganapin mula Nobyembre 25, 2021 hanggang Enero 31, 2022.

Matatagpuan sa Facebook page ang “100% Pusong Malabon” at numero ng telepono ng OSCA ladies na magsasagawa ng profiling sa iba’t ibang barangay na maaaring tawagan o i-text para sa mga katanungan.

Samantala, idinaos dakong alas-3:00 ng hapon noong Biyernes, Nobyembre 26 ang 5th State of the Children Address ni Mayor Antolin Oreta sa Lenlen Oreta Facebook page.

Tinalakay ni Oreta ang matagumpay na mga programa at proyekto ng pamahalaang lungsod para mapangalagaan ang kapakanan at maitaguyod ang karapatan ng mga batang Malabon sa kabila ng pandemya. (ALAIN AJERO)’

1

Related posts

Leave a Comment