May 354 active cases, 23 gumaling COVID DEATHS SA NAVOTAS NADAGDAGAN

0

ISANG COVID-19 patient ang binawian ng buhay sa Navotas City habang 354 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 8 matapos na 12 ang nagpositibo sa virus at 23 naman ang nakarekober.

Pumalo na sa 17,419 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,532 na ang gumaling at 533 ang namatay.

Samantala, wala namang iniulat na namatay sa Malabon City dahil sa pandemya, habang anim ang nadagdag na confirmed cases noong Oktubre 9. Sa kabuuan ay nasa 20,824 ang positive cases sa lungsod, 257 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Catmon (2), Concepcion (2), Dampalit (1), at Hulong Duhat (1).

Habang 17 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Catmon (1), Dampalit (2), Hulong Duhat (1), Niugan (1), San Agustin (5), at Tinajeros (7).

Sa kabuuan ay nasa 19,934 ang recovered patients ng Malabon, habang nanatili sa 633 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment