TATLONG kalalakihan na kinabibilangan ng isang town mayor, isang konsehal ng bayan at isa pang akusado ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan.
Kinilala ang mga inaresto na sina Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, Pandi Councilor Jon Jon Roxas, at isa pang co-accused matapos na silbihan ng warrant of arrest sa isang resort sa Pandi, noong Martes ng gabi.
Ayon kay PNP-National Capital Region Police Office chief, PBGen. Anthony Aberin, naglunsad ng law enforcement operation ang kanilang tracker team, bitbit ang arrest warrant na inilabas ng korte laban kina Roque, JonJon Roxas, at isa pang kasabwat umano sa kasong panggagahasa.
“This operation is a strong reminder that no one is above the law. Our assurance is that NCRPO will pursue justice without fear or favor, ensuring accountability for everyone,” ayon sa inilabas na pahayag ni Gen. Aberin.
Inakusahan ng isang babae ang tatlong akusado ng panghahalay sa Caloocan City noong Abril 6, 2019, pahayag ni Northern Police District Special Operations Unit (DSOU) chief, PLt. Col. Alain Licdan,
kung saan sila pansamantalang nakadetine habang inihahanda ang kaukulang mga dokumento
Tahasang itinanggi ng tatlong suspek na naghain ng motion to quash the arrest warrant and information, ang mga alegasyon na umano ay gawa gawa lamang at “politically motivated”. (JESSE KABEL RUIZ)
3