MESSENGER NAGBIGTI SA TABI NG NOBYA

PROBLEMA sa pera ang hinihinalang dahilan ng pagbibigti ng isang 33-anyos na lalaki habang natutulog ang kanyang nobya sa San Andres Bukid, Manila nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Mharvin Pantoja, messenger, residente ng San Andres Bukid, Manila.

Base sa ulat ni Det. Jason Ibasco na isinumite kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang madiskubre ng nobyang si Rizza Mae, 28, na nakabigti ang biktima.

Ayon sa salaysay ng nobya, umaga pa lamang noong Lunes ay nagsimula na silang mag-inuman at natapos sila dakong 12:00 ng madaling araw nitong Lunes.

Pagkaraan ay magkatabi umano silang natulog ngunit bigla siyang naalimpungatan at nagulat nang makitang nakabigti sa kumot ang biktima. (RENE CRISOSTOMO)

283

Related posts

Leave a Comment