MGA BARIL NI QUIBOLOY ISINUKO NG SUPPORTERS

ISINUKO sa Davao PNP ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang limang baril na pag-aari umano ng self-proclaimed appointed son of God.

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang ginawang pagsusuko ng mga baril ni Pastor Quiboloy kasabay ng pahayag na inihahanda na rin nila ang mga susunod na pagsuko ng matataas na mga kalibre ng baril sa Police Regional Office 11.

Magugunitang binigyan ng PNP ng anim na buwan si Pastor Quiboloy para i-surrender ang kanyang 19 assorted firearms matapos na kanselahin ng pambansang pulisya ang kanyang License To Own and Possess Firearms (LTOPF) at iba pang mga dokumento kaugnay sa napabalitang high powered firearms nito na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.

Ayon kay PNP chief, Gen. Francisco Marbil, sa pamamagitang ng nagpakilalang kinatawan ni Quiboloy, isinuko ang limang baril sa PNP Regional Civil Security Unit of PRO-11 kahapon ng umaga.

“‘Yung 14 [firearms] po, I believe, sabi nila they will surrender,” ani Gen. Marbil sa isang panayam.

Si Quiboloy na nagsasabing siya ay anointed son of god, ay nahaharap sa kasong sexual abuse at child abuse sa Davao City Regional Trial Court, at qualified human trafficking case na diringin sa Pasig City Regional Trial Court.

(JESSE KABEL RUIZ)

43

Related posts

Leave a Comment