Mga estudyante binunutan ng baril PULIS MAYNILA SINIBAK

MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng Manila Police District hinggil sa umano’y inasal ng isa sa mga tauhan ng MPD-Sampaloc Police Station sa mga estudyante ng University of Sto. Tomas noong Linggo ng gabi.

Bukod sa pansamantalang sinuspinde, dinis-armahan ng service firearms si Police Corporal Marvin Castro.

Base sa ulat ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, pauwi na sa kani-kanilang bahay ang mga estudyante na mga miyembro ng Junior Judo Team ng UST, mula sa isang selebrasyon ng kanilang pagkapanalo sa kompetisyon.

Tiyempo namang nasa lugar si Castro para magresponde dahil sa mga ingay na kanilang nadatnan habang nagpapatrulya sa area ng Sampaloc.

Pinagsabihan umano ni Castro ang mga estudyante ngunit nang makalayo ng ilang metro ay muli silang nag-ingay kaya muli niya itong pinuntahan at sinita.

“Parang nag-aakma yata na sugurin siya, hinawakan na niya ‘yung baril, dahil siyempre dala na rin siguro sa safety niya ‘yung tao,” ayon kay General Dizon na naging alibi ng suspek.

Ayon pa sa heneral, hindi naman daw umano itinutok ni Castro ang baril sa mga estudyante

Dahil dito, isinailalim na sa floating status si Castro at kung may basehan ang reklamo ng mga estudyante, malamang na masibak ito nang tuluyan sa tungkulin o mailipat ng ibang rehiyon. (RENE CRISOSTOMO)

165

Related posts

Leave a Comment