MGA ESTUDYANTE SA QUEZON SA LABAS NG CLASSROOM NAGKLASE

DAHIL sa matinding init ng panahon, sa labas na ng eskwelahan nagsagawa ng klase ang isang section ng mga mag-aaral sa senior high school sa Lutucan, Sariaya, Quezon.

Ayon sa kanilang  guro na si Joel Casungcad, habang hindi pa anya mainit ang lugar, sa lilim sa labas ng classroom niya pinag-exam ang kanyang hawak na grade 12 students sa Lutucan Integrated National High School.

Ito ay upang maiba naman daw ang experience at makalanghap ng sariwang hangin ang mga mag-aaral habang nag-e-exam at maiwasan na rin ang mainit at siksikang classroom.

Sa lawak ng lugar at laki ng pagitan ng upuan ng mga estudyante ay maiiwasan din ng mga ito ang pagkokopyahan, may halong birong sinabi ng guro sa kanyang Facebook post.

Pero pahabol nito, isang patunay anya ito na hindi hadlang sa mga mag-aaral ang init ng panahon sa kanilang mas maalab na kagustuhang matuto para sa kanilang pangarap. (NILOU DEL CARMEN)

PHOTO: Jhong Barrientos Dacgnusac FB

619

Related posts

Leave a Comment