MGA PASAHERO DAGSA SA MGA PANTALAN

PATULOY ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa para sa Christmas season.

Ayon sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) sa inilabas na bagong update, para sa “OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2022”, simula nitong Huwebes ay nakapagtala ng kabuuang 26,713 outbound passengers at 21,569 inbound passengers sa lahat ng mga pantalan sa Pilipinas.

Umabot naman sa 2,080 deployed frontline personnel sa 15 PCG Districts ang nakapag-inspeksyon ng 225 vessels at 242 motorbancas.

Nanatiling nasa heightened alert ang PCG district stations at substations upang mapamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan mula Disyembre 15 hanggang Enero 7, 2023.

Hinihikayat ang publiko na makipag-ugnayan sa PCG sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page o ang Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa mga katanungan at alalahanin, paglilinaw kaugnay sa travel protocols, at regulasyon ngayong holiday season. (RENE CRISOSTOMO)

117

Related posts

Leave a Comment