MGA SENADOR UMAYUDA SA MGA NASALANTA NI ‘KARDING’ SA BULACAN

PERSONAL na tinungo nila Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Robinhood Padilla at Ronald “Bato” Dela Rosa ang bayan ng San Miguel, Bulacan upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Karding nitong Huwebes.

May inisyal na 500 pamilyang benepisyaryo ang tumanggap ng tig-P5 libong Assistance to Individuals on Crisis Situation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tig-iisang food packs kada pamilya mula sa tanggapan ni Senador Go.

Mayroon namang ipinadala na 3,300 food packs ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  at 500 food packs din mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Nagpadala rin  ng 34 kahon ng noodles mula sa First Scout Ranger Regiment.

Nagbigay si Go ng 6 cellphone at tig-2 pares ng rubber shoes sa mga residente.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si San Miguel Mayor Roderick Tiongson sa mga senador. (ELOISA SILVERIO)

4

Related posts

Leave a Comment