MGA SUGATANG SUNDALO PINARANGALAN NG AFP

BINIGYANG pagkilala ng Armed Forces of the Philippine-Civil Relation Service na pinamumunuan ni  Brig. Gen. Arvin Lagamon, ang ilang sugatang sundalo kahapon sa loob ng AFP Medical center sa Victorio  Luna Medical Center sa Quezon City.

Bilang pagkilala sa katapangan at sakripisyo na inalay para sa bayan ay nagsagawa ng hospital visit at gift giving sa lahat ng battle casualties ang mga tauhan ng AFP-CRS at AFP Radio Station DWDD sa pangunguna ng kanilang Serbisyong Bayani Program na pinangungunahan nina Nellie Salanguit-Ababon at Capt. Alex  Longboan.

Ayon kay Army Major Cenon C. Pancito III, pinuno ng AFP Media Civil Affair Group, nakipag-ugnayan sa kanila ang grupong  Serbisyong Bayani para makatulong na maitaas ang moral ng mga sugatang sundalo na naka-confine ngayon sa V Luna Hospital.

Pahayag naman ni Nellie Salanguit-Ababon ng Serbisyong Bayani, kahit sa pamamagitan ng mga munting regalo at pag-alam sa mga pangangailangan ng battle casualties ay maiparating sa mga sugatang sundalo na kinikilala ng sambayanan ang kanilang kabayanihan.

Layunin din ng grupo na makatulong sa mga sundalo na makabalik sa normal na pamumuhay lalo na ‘yung mga hindi na makababalik pa sa serbisyo sanhi ng pinsala ng digmaan.

Ang AFP-DWDD Katropa Radio Station at Serbisyong Bayani na nasa likod ng iba’t ibang humanitarian at civic action program, ay binubuo nina Maj. Pancito, Nellie Ababo, Capt. Alex Longboan, Rachel Custodio, SSG Angelica Camomot S1JO Marissa Ogoc, AW1C Katherine Perido, PFC Muphet Tizon, Pvt. Spencer Ross, Pvt. Shaina Araneta at Pvt. Princes Ibrahim.

Pinapurihan naman ni BGen. Lagamon ang mga Katropa sa pag-alala sa battle casualties ng AFP. (JESSE KABEL RUIZ)

56

Related posts

Leave a Comment